^

Bansa

Checkpoint sa barangay ilalatag ng PNP

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Maglalagay na rin ng checkpoint ang Philippine National Police (PNP) sa bawat barangay sa bansa bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz, kung dati ay naka­tuon lamang ang checkpoint sa mga kalsada, ngayon ay ipatutupad din ang 24-oras na checkpoint sa mga kalsada sa baran­gay para mamanmanan ang seguridad ng mga mamamayan laban sa posibleng karahasan sa pagsisimula ng kampanya ng mga kandidatong ta­takbo sa naturang halalan.

Ipinag-utos na rin ni PNP chief Director Raul Bacalzo sa Regional Directors at Provincial Directors na makipag-dayalogo sa mga government organization para matiyak ang katahimikan nito.

Malimit anya na sa mga kandidato nagsisi­mula ang sigalot, dala na rin ng paramihan ng mi­yembro ng pamilya, lalo na sa mga probinsya kung kaya nagiging personalan ang pagtingin nila sa election na siyang ugat naman ng kaguluhan.

Umabot na sa 280 katao ang naaresto ng PNP simula ng ipatupad ang gun ban.

AGRIMERO CRUZ

AYON

DIRECTOR RAUL BACALZO

IPINAG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROVINCIAL DIRECTORS

REGIONAL DIRECTORS

SANGGUNIANG KABATAAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with