^

Bansa

P-Noy binigyan ng pasang-awang marka

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Binigyan ng pasang-awa na marka ni retired Archbishop Oscar Cruz si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ika-100 araw sa posisyon.

Sinabi ni Bishop Cruz, pasang-awa ang ibinigay niyang grado kay Pangulong Aquino dahil patuloy pa rin ang corruption sa local level at bigo pa rin mapanagot ang mga tiwaling opisyal ng nakalipas na administrasyon.

Wika pa ni Cruz, ang mahinang liderato din ni P-Noy ang dahilan kung bakit hindi magkasundo-sundo ang kanyang Gabinete.

Pero umaasa ang retired prelate na tataas ang marka ng Pangulo sa mga susunod na buwan ng panunungkulan nito.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na above passing grade ang nagawa ni Pangulong Aquino sa kanyang first 100 days.

Ayon kay Lacierda, ‘on track’ si Pangulong Aquino sa kanyang mga programa upang lalong mapabuti ang kalagayan ng bansa.

vuukle comment

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

AYON

BINIGYAN

BISHOP CRUZ

CRUZ

GABINETE

LACIERDA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with