^

Bansa

Tax breaks hirit ng solon

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Mabibigyan ng mala­king tulong ang industriya ng sining at entertainment kapag naging batas ang isang bill na inihain ni Cong. Freddie Tinga ng 2nd District ng Taguig.

Ang bill ay naglalayong bigyan ng “corporate tax break” ang lokal na indus­triya ng pelikula at entertainment at huwag pagba­yarin ng amusement tax ang mga sinehan at iba pang tanghalan na magpa­palabas ng mga pelikulang Pilipino, at mga musika at sining na pinangungu­nahan ng mga artistang Pinoy.

Ayon kay Tinga, ang digital piracy at kawalan ng copyright protection ang isa sa mga pangunahing problema ng industriya.

Maging ang mga film producer ay nag-aalangan nang gumawa ng pelikula dahil naibebenta kaagad ang kanilang pelikula sa lansangan isang araw matapos ipalabas ang kanilang pelikula.

Ang malaking pagbaba ng bilang ng mga ginaga­wang pelikulang Pilipino mula 200 bawat taon hang­gang sa 30 na lamang ay isang senyales na unti-unting namamatay ang industriya ng pelikula sa bansa.

Ayon kay Tinga, ang sobra-sobrang buwis sa kita ay nakakaapekto ng malaki at nakakapigil sa lokal na mga pelikula na makipagkumpitensiya sa mga pelikulang banyaga.

Naniniwala si Tinga na ang pinakamabisang pa­raan upang buhaying muli ang lokal na industriya ay ang alisin ang buwis na ipinapa­taw dito.

vuukle comment

AYON

FREDDIE TINGA

MABIBIGYAN

NANINIWALA

PELIKULA

PILIPINO

PINOY

SHY

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with