^

Bansa

P-Noy ititiwalag sa Katoliko

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na ma-excommunicate mula sa Christian community si Pangulong Noynoy Aquino kung itutuloy nito ang planong pamimigay ng contraceptives.

Ayon kay Catholic Bi­shops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Tandag Bishop Nereo Odchimar, mara­ming grounds ang excommunication o pagtitiwalag mula sa Christian community at isa na rito ang abor­siyon, na palaging kakabit ng artificial family planning.

Ang pamimigay naman aniya ng contraceptive ay ‘accessories’ sa krimen ng aborsiyon, ngunit sa ilalim ng ilang kondisyon.

Kasabay nito, pina­yuhan pa ni Odchimar si PNoy na bilang pangulo ng lahat, dapat ding ikon­si­dera nito ang posisyon ng Sim­bahang Katoliko lalo na’t ang moral na as­ peto ng na­turang isyu ang panig nila.

Nanindigan pa si Od­chimar na ang aborsiyon ay isang krimen na may kaakibat na excommunication at paglabag sa utos ng Diyos.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Odchimar na bukas sila sa pakikipag­dayalogo sa pangulo hinggil sa naturang isyu.

Binigyang-diin pa nito na hindi populasyon kundi graft and corruption ang sanhi ng kahirapan sa bansa. 

Tiniyak naman ni Health Secretary Enrique Ona na patuloy na mami­migay ng mga artificial contraceptives ang DOH sa mga mag-asa­wang nais na magkontrol ng pamilya, sa pama­magitan ng ka­nilang mga health centers sa buong bansa.

AYON

BINIGYANG

CATHOLIC BI

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DIYOS

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

ODCHIMAR

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHY

TANDAG BISHOP NEREO ODCHIMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with