^

Bansa

Noli, Rep. Quimbo pinagpapaliwanag ng Senado sa housing scam

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Kabilang sa mga ipapatawag ng Senado sa nabunyag na maanolyang housing scam sina dating vice president Noli de Castro at Marikina Rep. Miro Quimbo.

Ayon kay Senator Jinggoy Estrada, walang dapat palampasin sa nasabing imbestigasyon na gagawin ng ng Senado kaugnay sa P7 bilyong housing scam kung saan sangkot ang Globe Asiatique Realty Holdings Corp.

Si de Castro ang da­ting chair ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), na ngayon ay hawak ni Vice President Jejomar Binay, samantalang si Quimbo naman ang chief executive officer ng Pag-Ibig.

Nabunyag ang di­umano’y housing scam kung saan nag-loan umano ng bilyong halaga ang Globe Asiatique Realty Holdings Corp. para sa 9,000 buyers sa kanilang  housing projects pero lumalabas na karamihan umano sa mga sinasabing borrowers ay hindi naman nag-apply ng loan.

Ang iba naman umanong borrowers ay isinauli ang kanilang accounts dahil wala silang kapasidad na magbayad.

Sang-ayon naman si Sen. Serge Osmena, chairman ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies na ipatawag maging si Quimbo na isang congressman.

Ayon pa kay Osmena, dapat mabigyan ng proteksiyon ang pera ng mga miyembro ng Pag-Ibig fund at hindi dapat palampasin ang nangyari.

AYON

FINANCIAL INSTITUTIONS AND CURRENCIES

GLOBE ASIATIQUE REALTY HOLDINGS CORP

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

MARIKINA REP

MIRO QUIMBO

OSMENA

PAG-IBIG

QUIMBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with