^

Bansa

Chiz umapela kay P-Noy sa pagsibak kay Nilo

- Malou Escudero, Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines -  Umapela kahapon si Senador Francis “Chiz” Escudero sa kaibigan niyang si Pangulong Benigno “P-Noy” Aquino na irekonsidera ang pagkakasibak kay dating Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Director Prisco Nilo.

Sinabi ni Escudero na nanghihinayang siya sa pagkakatanggal kay Nilo sa PAGASA dahil lamang sa intriga o tsismis ng ibang tao kaugnay sa sinasabing maling forecasting ng PAGASA.

Naniniwala si Escudero na maituturing na ma­kabayan at matinong opisyal si Dr. Nilo dahil nanatili pa rin ito sa bansa upang magsilbi sa PAGASA sa kabila ng magandang alok sa ibang bansa.

Napaulat na halos naglayasan na ang mga da­ting kilalang forecasters ng PAGASA at nagtungo na sa ibang bansa kung saan mas malaki ang kanilang suweldo.

Iginiit pa ni Escudero na isa sa pinakamagaling na meteorologist sa PAGASA si Dr. Nilo kaya hindi ito dapat palayasin sa ahensiya kung saan marami ang nalungkot sa mga naiwan nitong staff.

Sinibak noong nakaraang Biyernes ni Pangulong Aquino si Dr. Nilo at papalitan ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Graciano Yumul Jr. Si Nilo ay una ng sinabon ni P-Noy noong tumama ang Bagyong Basyang sa Metro Manila.

Samantala nabatid kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda na pansamantala lamang sa puwesto si Yumul na tatagal ng hanggang 3 buwan.

BAGYONG BASYANG

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

DIRECTOR PRISCO NILO

DR. NILO

METRO MANILA

P-NOY

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

UNDERSECRETARY GRACIANO YUMUL JR. SI NILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with