^

Bansa

Kanselasyon ng passport ni Ping sinimulan na

-

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagproseso sa pag­kansela sa pasa­porte ni Sen. Panfilo Lac­son upang mapilitan itong lumutang at ha­rapin ang Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima na inaayos na ni Senior State Prosecutor Peter Ong ang mga doku­mento tungkol kay Sen. Lacson at kaagad itong isusumite sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang tuluyan nang makansela ang pasaporte ng mam­babatas.

Nilinaw ng DOJ chief na kapag nakansela na ang pasaporte ni Lacson ay maituturing na itong illegal alien kung saan mang bansa ito nagta­tago at posibleng mahuli at mapa-deport sa Pili­pinas.

Nabatid na nanatili pa rin ang pangalan ni Lacson sa listahan ng red notice ng Interpol.

Ang kautusan ng DoJ na kanselahin na ang pasaporte ni Lacson ay resulta ng naging pakiki­pagkoordinasyon ng ahensya sa DFA mata­pos na rin ibigay ng korte sa pamahalaan ang desisyon sa pagkansela ng pasaporte ng senador.

Kaagad namang na­ki­pag-ugnayan ang DoJ sa DFA kung saan si­nabing may batayan ang pagpapakansela ng pa­saporte batay na rin sa naging desisyon ng korte at batay sa naging kahi­lingan ng pamilya Dacer.

Samantala, nanini­wala naman si Atty. Fer­dinand Topacio, abogado ni dating Supt. Cesar Mancao, na mapipilitang lumutang si Lacson sa sandaling kanselahin ang pasaporte nito. (Gemma Garcia/Doris Franche)

AYON

CESAR MANCAO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DORIS FRANCHE

GEMMA GARCIA

JUSTICE SECRETARY LEILA

LACSON

SENIOR STATE PROSECUTOR PETER ONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with