^

Bansa

P-Noy sa PNP: Tiwala ng taumbayan sa gobyerno, ibalik!

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni Pangulong Noynoy Aquino ang PNP na tulungan ang kanyang administrasyon upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang pagdalo sa inagurasyon at unveiling ng marker ng PNP Training Service School for Values and Leadership sa Subic Bay Free Port, sa tulong ng training programs ng PNP ay lalo nilang mapagbubuti ang pagtupad sa kanilang tungkulin.

Wika pa ni P-Noy, malaki ang maitutulong ng training programs ng PNP upang makagawa ng tamang desisyon ang bawat kapulisan sa pagtupad nila ng tungkulin at maging kaagapay ng pamahalaan sa pagsusulong ng tuwid na landas.

Iginiit pa ni Aquino sa kanyang mensahe na mahalaga sa kanya ang kapulisan tulad din ng sundalo dahil minsan na rin siyang tinamaan ng mga bala subalit pinalad siyang makaligtas di tulad ng kanyang security na nasawi noong kudeta sa panahon ng kanyang yumaong ina na si Pangulong Corazon Aquino.

Hinikayat niya ang PNP na tumulong sa gobyerno sa paghahatid ng tunay na serbisyo sa mamamayan upang makamit ang kapayapaan, kaunlaran at kasaganaang inaasam ng lahat.

vuukle comment

AQUINO

HINIKAYAT

HINIMOK

IGINIIT

PANGULONG AQUINO

PANGULONG CORAZON AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SUBIC BAY FREE PORT

TRAINING SERVICE SCHOOL

VALUES AND LEADERSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with