^

Bansa

Clean-up sa oil spill sagot ng Petron

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang kumpanyang Petron ang mananagot sa lahat ng gastos sa kasalukuyang clean-up ope­ration na isinasagawa sa karagatang sakop ng Rosario, Cavite bunga ng oil spill.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, maaring ipare-imburse sa nasabing kumpanya ang gastusin, alinsunod sa Oil Pollution Compensation Law.

Una nang umamin ang Petron na aksidenteng natamaan ng angkla ng kanilang barko ang underwater pipeline na na­ging dahilan ng oil spill sa nasabing lugar.

Kasabay nito, pinawi na rin ni Tamayo ang pa­ngamba ng mga residente hinggil sa panganib na dulot ng tumagas na langis.

Nilinaw ni Tamayo na under control na nila ang tumagas na langis at kasalukuyang mopping-up operations na lamang ang ginagawa ng mga tauhan ng PCG.

Kaugnay nito, sinisimulan na rin ng PCG ang hakbang upang pigilan ang posibleng oil spill naman ng lumubog na liquefied petroleum gas o LPG carriers sa Bataan at sinisimulan na ang pagpapalutang ng dalawang  carrier.

Kinumpirma rin ni Ta­mayo na sa kasalukuyan ay wala pang nakitang oil spill sa karagatan na sakop ng bayan ng Limay, Bataan.

Una na ring sinabi ni Coast Guard station commander Lt. General Geronimo Tuvilla na mayroon na silang response team na naka-standby sa oras na lumala ang sitwasyon sa Limay.

Nagtatag na rin ng task force ang PCG upang tiyakin na hindi na lumala pa ang sitwasyon sa lugar.

Idinagdag pa ni Ta­mayo, kumuha na sila ng salvor upang marekober ang tone-toneladang langis na laman ng dalawang oil tankers.

AYON

COAST GUARD

COMMANDANT ADMIRAL WILFREDO TAMAYO

GENERAL GERONIMO TUVILLA

KINUMPIRMA

LIMAY

OIL POLLUTION COMPENSATION LAW

PETRON

PHILIPPINE COAST GUARD

TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with