Shalani may bagong 'promise'
MANILA, Philippines - Nangako ng kanyang kumpletong suporta si Shalani Soledad, girlfriend ng Senador at tumatakbong Presidente na si Noynoy Aquino, para kay Pastor Sonny Tiquia sa pagka-Kongresman sa ikalawang distrito ng Valenzuela City.
Sa kanyang mga pahayag na matatagpuan sa internet at on-line na balita, pinuri ni Soledad si Tiquia bilang kanyang “political mentor” na hindi siya iniwan sa ano mang sitwasyon at mga usapin.
“Si Pastor ay tunay na kaibigan na hindi ka iiwan. Hindi siya tumitingin sa kulay sapagkat ang paglilingkod sa mamamayan ang kanyang nasa isip at puso.”
Si Soledad ay tumatakbong muli bilang konsehala ng ikalawang distrito ng Valenzuela. Magkakasama sina Soledad at Tiquia sa grupo nina Mayor Sherwin Gatchalian.
Inihayag pa ng Konsehala na noong 2004 kung kailan una niyang nakilala si Pastor Tiquia ay agad siya nitong tinanggap at kinalinga.
“Kaya mula nuon hanggang ngayon, ang Congressman ko ay si Pastor Sonny Tiquia,” pagtatapos ni Shalani.
- Latest
- Trending