^

Bansa

Novena para sa eleksiyon

- Nina Doris Franche at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Magdaraos ng isang nine-day novena prayer ang Simbahang Katoliko sa susunod na buwan para makatiyak na mag­kakaroon ng isang tapat at malinis na halalan sa bansa sa Mayo 10.

Kasabay nito, hinimok nina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Ro­sales at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Tandag Bishop Nereo Odchimar ang kanilang mga kasamahang Obispo na pamunuan ang mga mananampalataya sa pagdaraos ng naturang panalangin.

Layunin ng novena na hingiin ang biyaya at liwanag ng Panginoon upang maging mabunga ang idaraos na halalan sa bansa at mabene­pis­yuhan ang bansa at ang mga mamamayan.

Sinabi ni Odchimar na kailangan na ng bansa ang “true moral and social transformation.” 

Nagpadala na si Ro­sales ng kopya ng novena prayer sa mga diocesan bishops at sa mga mi­yembro ng Council of the Laity.

Ang naturang novena ay sisimulang dasalin sa Mayo 1 hanggang sa gabi ng Mayo 9, ang bisperas ng araw ng halalan.

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

COUNCIL OF THE LAITY

KASABAY

LAYUNIN

MAGDARAOS

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO CARDINAL RO

NAGPADALA

SIMBAHANG KATOLIKO

TANDAG BISHOP NEREO ODCHIMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with