^

Bansa

Botante dapat magdala ng 'kodigo'

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Parish Pastral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang lahat ng botante na magdala ng kanilang mga kodigo sa Mayo 10 upang hindi masayang at maproteksiyunan ang kanilang mga boto.

Ayon kay PPCRV chairwoman Henrietta de Villa, kailangan na maging maingat ang mga botante sa araw ng halalan upang matiyak na mabibilang ang kanilang mga balota at mabibilang ang kanilang mga boto gamit ang kauna-unahang poll automation sa bansa.

Paraan din aniya ito upang mapabilis ang sistema ng pagboto at maiwasan ang pagsisikip ng mga pila at boboto sa mga polling precincts.

Sinabi ni de Villa na hindi maiaalis ang pag-iisip sa oras ng botohan lalo na sa pagkasenador dahil marami ang kandidato at marami din ang dapat na lagyan ng shade.

Ang PPCRV ang in- charge sa mga holding areas ng mga voting precincts kung saan 15 hanggang 20 botante lamang ang maaaring pumasok sa bawat presinto.

Tinutulungan din nila ang mga botante na makita ang kanilang mga presinto dahil karamihan sa mga botante ay walang tiyaga maghanap o magtanong sa mga opisyal ng Comelec.

AYON

COMELEC

HENRIETTA

PARAAN

PARISH PASTRAL COUNCIL

PINAYUHAN

RESPONSIBLE VOTING

SINABI

TINUTULUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with