^

Bansa

House bill na gawing 99 yrs. pagrenta ng lupain ng mga dayuhan, ipinababasura

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinababasura ng Bayan Muna ang House Bill No. 755 na nagpapalawig ng land lease period para sa mga dayuhang investors ng mula 75 ay ginawang 99 taon dahil isa umano itong tahasang pambabalewala sa kapakanan ng mga Pilipinong magsasaka, mang­gagawa, mga katutubo at iba pa.

Ayon sa Bayan Muna, ang HB No. 755 na pinagtibay sa Kamara ay isang banta sa mga Pilipinong magsasaka, reporma sa agrikultura at maging sa lupain na minana pa ng mga pamilya sa kanilang mga ninuno.

Sinabi ni dating Bayan Muna Partylist Rep. Eufemia Cullamat na kabilang sa mga maapektuhan ay ang mga benepisyaryo sa Agrarian Reform na kaila­ngang lingapin dahil nakasalalay dito ang seguridad sa pagkain sa bansa  at kabuhayan ng mga magsasaka.

“Allowing foreign investors to lease these lands for up to 99 years undermines decades of efforts to provide land access to Filipino farmers. This is nothing less than a gateway to land grabbing and disenfranchisement,” ani Cullamat.

Ipinunto ni Cullamat na walang safeguard sa mga lupaing minana sa mga ninuno ang nasabing panukalang batas sa halip ay naglalagay ito sa mga Pinoy sa eksploytasyon at bulnerable rin sa interes ng mga foreign corporate.

“Ancestral lands are not just territories; they are sacred spaces deeply tied to the identity, culture, and survival of indigenous peoples. To extend lea­sing rights to foreign entities over these lands for 99 years is a direct assault on the rights of indigenous communities to self-determination and stewardship of their ancestral domains” ani Cullamat.

Magugunita na bago mag-recess ang sesyon ng Kamara nitong nakalipas na linggo ay ipinasa na sa huli at ikatlong pagbasa ang nasabing panukala.

LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with