^

Bansa

80 kph takbo ng PUVs ipatutupad

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - I-impound ng Land Transportation Office (LTO) ang alinmang pam­publikong sasakyan tulad ng dyip, bus, taxi at trak na mahuhuling ta­takbo ng higit pa sa 80 kilometer per hour habang nasa mga lansangan.

Sinabi ni LTO Chief Alberto Suansing, dapat hanggang 80 KPH lamang ang takbo ng mga sasak­yan nationwide laluna sa Metro Manila upang higit na madisiplina ang mga driver gayundin ang mga operator ng pampublikong sasakyan at malaman nila ang kani-kanilang respon­sibilidad sa kalye.

Minabuti ni Suansing na gawin ang naturang hak­bang bunsod na rin ng mga natatanggap na mga rek­lamo laban sa mga driver na sobrang bilis mag­pa­harurot ng kanilang mga sasakyan laluna sa mga major roads tulad sa Commonwealth Ave., Que­zon Ave. at iba pang bising lansangan sa Metro Manila.

Nitong nakaraang ling­go, nakahuli si Suansing ng isang bus at isang jeep nang makasabayan niya sa may Quezon Ave. na todong magpakaripas ng takbo ng sasakyan.

Ani Suansing, dapat isaisip ng mga driver na ka­ilangan ang disiplina habang hawak ang mani­bela at hindi payabangan sa pagpapa­sada.

ANI SUANSING

CHIEF ALBERTO SUANSING

COMMONWEALTH AVE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

MINABUTI

QUEZON AVE

SHY

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with