^

Bansa

Barko sumabog: 2 Pinoy patay

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Dalawang tripulanteng Pinoy ang nasawi ma­tapos na masunog at su­mabog ang sinasakyang oil tanker habang nagla­layag malapit sa Yangtze River sa China noong Linggo.

Inatasan na kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Emba­ hada ng Pilipinas sa Bei­jing na makipag-ugnayan sa manning agency ng dalawang Pinoy at upang magbigay ng assistance sa 11 Pinoy seamen na nakaligtas.

Base sa report, na-trap ang dalawang Pinoy crew sa loob ng cabin nang mag­liyab ang Panama-flagged MV Golden Crux 18, isang liguefied gas tanker.

Mabilis namang naka­alis sakay ng lifeboat ang 12 crew na kinabibi­la­ngan ng 11 Pinoy at isang Burmese gamit ang lifeboat palayo sa nag-aapoy na barko.

Walang kargang gas ang naturang barko nang maganap ang sunog.

Bunga ng pagkalat ng apoy sa barko ay isang malakas na pagsabog ang narinig sa engine room.

Martes na ng mapatay ang apoy subalit patuloy umanong may maitim at makapal na usok na luma­labas sa barko.

Patungo na sa South Korea ang 95-metrong haba na tanker mula sa Nan­tong, Jiangsu, China upang magkarga ng ligue­fied petroleum gas. 

BEI

BUNGA

DALAWANG

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBA

GOLDEN CRUX

PINOY

SHY

SOUTH KOREA

YANGTZE RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with