^

Bansa

Remulla, bagong mukha sa 'magic 12' sa Senado!

-

MANILA, Philippines - Pumasok sa kauna-unahang pagkakataon si Nacionalista Party spokesman at senatorial candidate Gilbert Remulla sa “magic 12” sa mga tuma­takbo sa pagka-senador.

Sa survey ng Social Weather Stations, 24% ng mga botante ang boboto kay Remulla, sapat upang makuha nito ang pang 12 pwesto kung ngayon ga­gawin ang halalan. Ang survey ay kinomisyon ng Businessworld at isina­gawa nung March 19-22, 2010 at may 2,100 respondents.

Si Remulla, dating broadcast journalist at naging congressman ng Cavite bago tumakbo sa Senado, ay tinatayang aakyat pa dahil sa buhos ng suporta mula sa iba’t malalaking tao at mga organisasyon.

Si Remulla ang huma­wak ng pagdinig sa Kon­greso ng kontrobersyal na “Hello Garci Scandal” na nag-uugnay kay Pangu­long Gloria Macapagal Arroyo sa pandaraya sa 2004 presidential elections.

Isang iskolar ng bayan na nag-aral sa University of the Philippines, si Remulla rin ang ang pinakabata sa edad 39 na pumasok sa hanay ng mga malamang manalong pagka-senador. Karamihan ng kanyang mga kasama sa “winning column” ay pawang mga reelectionist o dati ng mga senador.

Sinabi ni Remulla na lalo niyang pagbubutihin ang kanyang kampanya at maikalat ang kanyang platapormang kabuhayan, edukasyon, at pabahay. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

GILBERT REMULLA

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HELLO GARCI SCANDAL

NACIONALISTA PARTY

REMULLA

SI REMULLA

SOCIAL WEATHER STATIONS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with