^

Bansa

Cabral suportado sa condom

-

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagtutol ng simbahang katoliko sa pamamahagi ng condom ng Department of Health, su­ muporta naman kay Health Secretary Espe­ranza Cabral ang   non-go­vernment organization na Catholics for Choice  hing­gil dito.

Ayon kay Catholics for Choice President Jon O’ Brien, hindi matata­waran ang pagpupursige ni Cab­ ral na maisalba ang buhay ng isang tao kasa­bay ng paglaban sa pag­kalat ng HIV at AIDS epidemic.

Sinabi ni O’Brien na hindi lamang gumawa ng ingay ang pakikipagdebate ni Cabral sa mga pari at obispo kundi mas binig­yang-daan nito ang publiko na maging alerto at mag­karoon ng sapat na impor­masyon hinggil sa pagla­ban sa naturang sakit.

Mananatili aniya ang kanilang paninindigan na ang paggamit ng condom ay para maiwasan ang   pag­kalat ng HIV/AIDS at iba pang sexually-transmitted diseases dahil ang bawat isa ay madaling ka­pitan ng impeksiyon. - Doris M. Franche

AYON

BRIEN

CABRAL

CHOICE PRESIDENT JON O

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS M

FRANCHE

HEALTH SECRETARY ESPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with