^

Bansa

'Hulihin ang mga umambus sa LP bet sa Quezon!'

-

MANILA, Philippines - Nanawagan ngayon si Liberal party senatorial candidate Atty. Alex Lacson sa agarang pag-aresto sa mga umambush sa kandidato ng kanilang partido pagka-mayor sa Lucena City. Ani Lacson, kailangang maglunsad ng hot pursuit operations ang pulisya upang agarang makamit ang hustisya ng muntik nang mapaslang na Pagbilao vice mayor at LP mayoral bet Apolinario “Apo” Martinez.

Sinabi ni Lacson na ika-apat nang biktima si Martinez ng animo’y lumalalang bilang ng poll-related violence sa lalawigan ng Quezon. Bago pa umano ang tangkang pagpatay, sinabi ni Lacson na nakatatanggap umano ng mga death threats si Martinez mula sa mga hindi napangalanang mga kaaway. 

Nangangamba si Lacson na lalala pa ang sitwasyong pampulitikal sa Quezon at maging sa buong bansa kundi kikilos ang PNP. Wala sa listahan ng hot spots ng PNP ang lalawigan ng Quezon. (Butch Quejada)

vuukle comment

ALEX LACSON

ANI LACSON

APO

APOLINARIO

BUTCH QUEJADA

LACSON

LUCENA CITY

NANAWAGAN

NANGANGAMBA

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with