^

Bansa

Walang brownout sa laban ni Pacman - Napocor

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ng pamunuan ng National Power Corporation (Napocor) na walang brownout na magaganap sa panahon ng laban ni pambansang kamao Manny Pacquiao at Joshua Clottey nga­yong Linggo sa Luzon at Visayas.

Ayon kay Napocor spokesman Dennis Gana, sapat ang suplay ng kuryente sa kabila ng inaasahang mataas na demand dahil na rin sa laban sa makasaysa­yang Pacquiao fight. 

Sinabi ni Gana, napag-aralan na ang panga­ngailangan sa suplay at reserbang grid ng buong bansa at mapupunan na  ang kasalukuyang power generation ng mga planta sa electricity needs ng Luzon at Visayas sa kabila ng pagpapatupad ng rota­ting brownout ng Meralco dahil sa pagsasaayos ng Malampaya at Sta. Rita power plant. 

Anya, mananatiling abnormal naman ang power situation sa Mindanao makaraang ideklara ng pamahalaan ang state of calamity doon bu­nga na rin ng mababang produksyon ng kuryente.

Ngayong araw ang laban nina Pacquiao at Clottey na tinaguriang “The Event” na inaasahang magiging madrama kaya ginawa ang lahat ng magagawa ng Napocor para magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente sa Luzon  at Visayas laluna sa Metro Manila. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

DENNIS GANA

JOSHUA CLOTTEY

LUZON

METRO MANILA

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

PACQUIAO

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with