^

Bansa

Tulong hingi ng fire victims

-

MANILA, Philippines - Ilang biktima ng mga nagdaang sunog sa May­nila ang nagrereklamo na wala umano silang nata­tang­gap na tulong mula sa pamahalaang-lokal ng lunsod mula nang ma­walan sila ng bahay. 

Ayon kay Joseph Ta­wasil ng 2258 Int. 25 Leve­riza St., Malate Maynila na kabilang sa nasunugan ng bahay, mayroon ding ibang mga kandidatong pulitiko ang nagbibigay sa kanila ng mga konting delata subalit kulang pa ito kaya hini­ hintay nilang mag-aabot sa kanila ng tulong ang mga opisyal ng pama­halaang-lunsod ng Maynila.

Iginiit pa niya na wala silang nakikitang nagkalat na poster o polyeto na nagbababala ng pag-iingat sa sunog lalo na ngayong fire prevention month.

Matatandaan na apat na magkakasunod na sunog ang naganap sa Samar St., Sam­paloc; isang squatters area sa Magin­ hawa St. malapit sa De La Salle University; Leveriza; Capulong St., Tondo at sa Roman st. panulukan ng Claro M. Recto St..

Hiling ni Tawasil na kumilos sana si Manila Mayor Alfredo Lim lalo ngayon dahil wala umano silang matirhan at bigyan sana sila ng pansa­man­talang matutuluyan.

AYON

CAPULONG ST.

CLARO M

DE LA SALLE UNIVERSITY

IGINIIT

JOSEPH TA

MALATE MAYNILA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

RECTO ST.

SAMAR ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with