^

Bansa

Noli binuweltahan

-

MANILA, Philippines - Binuweltahan ng may 1,000 kasapi ng Maharlikans Center for Community Organizations (Maharlikans) si Vice President Noli de Castro dahil sa mga binitawan niyang salita na peke ang mga titulong tulad ng Titulo de Propriedad No. 4136 at Original Certificate of Title 01-4.

Ayon kay Daniel Frianeza, pangulo at executive trustee ng Maharlikans, lubhang walang basehan ang mga paratang ni de Castro dahil ang “OCT 01-4” ay sinusuportahan ng mga dokumentong pangkasaysa­yan, Court Orders and Decisions.

Noong April 2009, sinabi ni de Castro bilang Housing and Urban Development Coordinating Council chairman, ang titulong “OCT 01-4” ay “hindi na gina­gamit sa alinmang land registration proceedings sa ilalim ngTorrens system.

Ang nasabing documentary ay tumatalakay sa ka­saysayan ng Pilipinas kung paano natituluhan ang buong Pilipinas, kung kanino naipamahagi sa pama­magitan ng iba’t ibang Spanish title at ang pagpro­seso nito sa Torrens system na kasalukuyang gina­gamit sa pagpapatitulo.

Ani ni Frianez, isang malaking pagkakamali ang naging pahayag ni De Castro sapagkat ang OCT 01-4 ay nagmula sa Titulo Propriedad de Terrenos, Royal Degree 01-4, isang Spanish title ay naging Torrens title noon pang 1904 na pinairal sa ating bansa noong Pebrero 1, 1903. (Doris Franche)

COMMUNITY ORGANIZATIONS

COURT ORDERS AND DECISIONS

DANIEL FRIANEZA

DE CASTRO

DORIS FRANCHE

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

MAHARLIKANS

MAHARLIKANS CENTER

NOONG APRIL

ORIGINAL CERTIFICATE OF TITLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with