^

Bansa

5 patay sa tigdas

-

MANILA, Philippines - Umaabot na sa lima katao ang nasawi sa sakit na tigdas nitong nakalipas na dalawang buwan at pinangangambahan pang patuloy na tumaas ang bilang nito.

Ayon kay Department of Health-National Epide­miology Center Chief Dr. Eric Tayag, sa limang na­italang nasawi, tatlo ang pawang mga walong-bu­wang gulang na sanggol na kapwa mga lalaki habang dalawa dito ay ba­bae na may mga edad na dalawa hanggang 11 anyos.

Sa mga nasawi, apat dito ay mula sa Tondo, Maynila habang ang isa ay m­ula sa Quiapo.

Lumalabas sa re­cord ng DoH na 742 na ang kumpirmadong kaso ng tigdas sa bansa na naitala sa pagitan ng Ene­ro 1 hanggang Pebrero 27. Ang nasabing bilang ay 234% mas mataas kumpara sa 222 na kaso lamang na naitala sa parehas na buwan noong 2009.

Dalawang lugar pa ang isinama ng DoH na may measles outbreak at ito ay kinabibilangan ng Barangay Siyete sa Ta­nauan, Batangas at Cata­nega sa Palawan.

Magugunita na una nang isinailalim sa outbreak ng DoH ang Baseco Compound at Moriones sa Tondo; Barangay Pulang Lupa sa Las Piñas City; Ba­labagan town sa Lanao del Sur; Central Mar­ket sa Dasmariñas, Cavite at  San Francisco sa lalawigan ng Quezon.

Nilinaw ni Tayag na ka­raniwang mataas ang kaso ng tigdas sa panahon ng tag-init subalit kanila pa ring iimbestigahan kung ang strain ng tigdas na kumakalat ay dati na sa bansa o bago ito. (Gemma Amargo-Garcia)

BARANGAY PULANG LUPA

BARANGAY SIYETE

BASECO COMPOUND

CENTRAL MAR

DR. ERIC TAYAG

GEMMA AMARGO-GARCIA

LAS PI

SAN FRANCISCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with