^

Bansa

Pagsuko ni Ping dinenay ng NBI

-

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng National Bureau of Investigation ang ulat na nakatang­gap sila ng balido at beripikadong impormas­yon na nasa ancestral home lamang sa Cavite si Senador Panfilo “Ping” Lacson at planong sumuko sa NBI anumang oras.

Reaksiyon ito ng NBI sa kumakalat na balita na kahapon ay susurender na si Lacson sa NBI-main office sa Taft Ave., Maynila ma­­ta­pos umanong maka­puslit pabalik ng bansa gamit ang southern back­door.

Hindi rin kinumpirma ng NBI ang mga ulat na ang senador ay nasa kustodiya ni dating Executive Secretary Eduardo Ermita.

Ayon kay Atty. Claro de Castro Jr., ng NBI-Interpol Division, wala pa sa Pili­pinas si Lacson at sakaling totoo umano na susuren­der siya ay handa siyang tanggapin ng NBI para matapos na ang paghaha­nap sa kaniya.

Maging si NBI Assistant Director Pedro Bu­laong at Deputy Director for Intelligence Ruel Lasala ay tumanggi din na naka­tanggap sila ng ulat hinggil sa planong pagsuko ng senador.

Ayon kay Lasala, bukod sa mahirap o mapa­nganib na dumaan sa backdoors si Lacson dahil sa Abu Sayyaf Group, hindi puwedeng hindi siya ma­kilala. At sa­kaling gumamit umano ng pribadong ero­plano pa­ balik, matutukoy din ito sa pama­magitan ng Air Transportation Office (ATO).

Una nang sinabi ni NBI Director Mantaring na wala na sa Hongkong si Lacson.

Ani Mantaring, binibe­ripika nila kung nagtatago sa isang bahagi ng Europe si Lacson partikular sa Netherlands kung saan siya maaring humingi ng political asylum, dahil may Interpol office doon na maari nilang maka­ugna­yan sakaling magtungo doon  ang senador.

Inalerto na rin ng regional offices ng NBI kung posibleng mamataan si Lacson at maaresto ito.

Samantala, ibinasura ng Court of Appeals ang inihaing motion ni Lacson upang pigilan ang Department of Justice sa pagsa­sagawa ng preliminary investigation kaugnay sa kinasasangkutan nitong Dacer-Corbito double murder case.

Itinuturing ni CA For­mer 10th division Associate Justice Juan Enri­quez Jr. na moot and academic na ang nasabing isyu dahil nakasuhan na si Lacson sa Manila Regional Trial Court bukod pa sa nag­palabas na rin ang korte ang warrant of arrest laban dito. (Ludy Bermudo/Gemma Garcia)

ABU SAYYAF GROUP

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ANI MANTARING

ASSISTANT DIRECTOR PEDRO BU

ASSOCIATE JUSTICE JUAN ENRI

AYON

CASTRO JR.

LACSON

NBI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with