'Pagsuspinde sa peace talk mapanganib' - Abaya
MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Presidential Adviser on Peace Process Secretary Annabelle Abaya ang mga pulitiko na maghinay-hinay sa pagpapatigil sa usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front dahil maghahatid ito ng mapanganib na mensahe sa buong bansa at sa international community.
Ginawa ni Abaya ang paaalala bilang tugon sa panawagan nina Sen. Noynoy Aquino, Sen. Rodolfo Biazon, Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon at ilang local officials na ipaubaya ang negosasyong pangkapayapaan sa susunod na administrasyon.
Tumatakbong senador si Drilon sa May national elections habang ang nakababatang Biazon ay target na palitan ang ama sa Upper Chamber.
Samantala, kasunod ng serye ng matagumpay na pagbisita sa ilang bahagi ng Mindanao, ipagpapatuloy ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process ang “Dialogue Mindanaw” program sa pagtungo sa Puerto Princesa, Palawan ngayong Miyerkules.
Pinayuhan ni Abaya ang naturang mga pulitiko na mag-ingat at pag-isipang maigi at maging responsable sa magiging negatibong resulta ng kanilang pahayag sa seguridad ng bansa.
Sinabi ni Abaya na dapat bigyan ng karampatang pagtrato ang kapayapaan dahil layon ng gobyerno na pursigihin ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagtapat sa determinasyon ng MILF.
- Latest
- Trending



















