^

Bansa

Abu reresbak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Doble-alerto ngayon ang Armed Forces of the Philippines laban sa posibleng sympathy attack tulad ng pambobomba at pangingidnap sa Sulu at iba pang bahagi ng Western Mindanao bilang paghihiganti.

Kasunod ito ng pagkakapatay sa top leader ng Abu Sayyaf na si Commander Albader Parad at lima nitong tauhan ha­bang nalagas rin ang isang tauhan ng Philippine Marines sa isang enkuwentro sa Maimbung, Sulu noong Sabado.

Sinabi ni Defense Secretary Norberto Gonzales na hindi porke napatay ng tropa ng pamahalaan si Parad ay dapat nang magrelaks ang AFP.

Ipinunto ng Kalihim na karaniwan nang gu­maganti sa pamamagitan ng paghahasik ng te­rorismo ang mga bandidong Abu Sayyaf sa tuwing malalagasan ang mga ito ng mga pinuno at tauhan.

Idinagdag pa nito na isang malaking dagok sa Abu Sayyaf ang pagkakapatay kay Parad kaya ina­asahan at pinagha­handaan na nila ang ganti ng grupo.

Naniniwala naman si Navy Spokesman,  Marine Lt. Col. Edgard Arevalo na malabong makapaghasik ng kaguluhan ang bandidong grupo sa labas ng rehiyon ng Mindanao.

Ikinagalak ng Palasyo ang matagumpay na military operations kung saan ay sinasabing napatay sa engkwentro si Parad.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar na ang pagkakapaslang ng militar kay Parad at 5 miyembro nito ay patunay lamang na tuloy-tuloy ang paglaban sa terorismo. (May ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMANDER ALBADER PARAD

DEFENSE SECRETARY NORBERTO GONZALES

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN GARY OLIVAR

EDGARD AREVALO

MARINE LT

NAVY SPOKESMAN

PARAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with