^

Bansa

Payola sa BoC buking

-

MANILA, Philippines - Lumutang ang anggulong talamak diumano ang katiwalian sa Bureau of Customs matapos mabu­­n­yag ang milyones na ‘pa­yola’ mula sa malalaking dibisyon nito na ayon sa impormasyon ay gagamitin sa kampanya ng ilang malalaking pulitiko.

Ayon sa impormante, umalma ang ilang matataas na personalidad sa BoC dahil sa hindi makayanang laki ng ‘payola’ na iniatang sa kanilang dibisyon at sa tuwing hapon ng Biyernes naniningil ang tinaguriang ‘batman and robin’ ng Adua­na.

Masyado na umanong na­hihirapan ang bawat tinokahan dahil kailangan nilang maibigay ang P20 mil­yones kada Biyernes. Dagdag sa impormasyon na sina alyas Niel at Larry diumano ang nanghaharibas sa Aduana gamit bilang panakot ang isang mambabatas.

Base sa impormasyon, ang legal division ng RATS ay ilan lamang uma­no sa tinokahan para sa naturang halaga. (Butch Quejada)

vuukle comment

ADUA

AYON

BIYERNES

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

DAGDAG

LUMUTANG

MASYADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with