^

Bansa

Gibo bilang susunod na lider nais ng Cotabato

-

MANILA, Philippines - Siniguro ng mga mga residente ng North Cotabato na si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. ang nais nilang susunod na maupo sa Malacanang.

Sinabi ni North Cotabato Gov. Jesus “Susing” Sacdalan na si dating Defense Secretary Teodoro ang dahilan kung bakit nanatiling mapayapa ang kanilang probinsiya at rehiyon lalo na noong ito pa ang kalihim ng Department of National Defense.

Ipinaala din ni Sacdalan sa kanyang mga kababayan na si Gibo ang agad na sumaklolo sa kanila noong Agosto 2008 ng maghasik ng terorismo ang grupo ni Umbra Cato kaya kaagad ding nanumbalik ang kaayusan sa kanilang probinsiya. Dumalo si Gibo sa ika-12 founding anniversary ng Kidapawan City noong Biyernes.

Ipinangako ni Sacdalan kay Teodoro na ang 600,000 voters ng kanilang lalawigan ay nagkakaisa at sisiguruhin na ito ang susunod na Pangulo ng bansa. (Rudy Andal)

vuukle comment

DEFENSE SECRETARY TEODORO

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

GIBO

KIDAPAWAN CITY

NORTH COTABATO

NORTH COTABATO GOV

RUDY ANDAL

SACDALAN

TEODORO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with