^

Bansa

57 counts ng murder vs Ampatuans

-

MANILA, Philippines - Isinulong na ng Department of Justice ang kasong 57 counts of murder sa Quezon City Regional Trial Court laban kay dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at 196 iba pa kabilang ang ilang angkan nito dahil sa pag­kakasangkot sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Sa78-pa­hinang reso­lusyon ng DoJ, na­pa­tuna­yang nag­karoon ng sabwatan ang mga akusado para maisagawa ang pagmamasaker sa ang­kan ng Mangudadatu at mga supporters nito habang patu­ngo sa Shariff Aguak upang maghain ng Certificate of Candidacy si Esmael “Toto” Ma­ngu­dadatu.

Kabilang sa mga akusado sina Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Datu Saldy “Puti” Ampatuan, Datu Akmad “Tato” Ampatuan, Sr., Datu Norodin Ampatuan, at Datu Jimmy Ampatuan. Itinuturo din ng mga testigo sina Datu Kanor Ampatuan, Datu Bah­narin Ampatuan, Datu Mama Ampatuan, Datu Sajid Islam U. Ampatuan, Datu Anwar Ampa­tuan, Datu Saudi Ampatuan, Jr., Datu Ulo Am­patuan, Datu Ipi Ampatuan, Datu Harris Ampa­tuan, Datu Moning Ampatuan, Mogira Hadji Anggulat, Parido Zang­kala Gogo, Jun Pendatun, Kagi Faizal at Sukarno Badal na nag­partisipa sa massacre.

May mga ebidensiya din hawak ang prosecution na ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakiisa sa preparasyon at pagsasakatuparan ng mas­sacre.

Sa ngayon ay nakadetine sa Camp Panacan Hospital sa Davao City si Ampatuan Sr., habang ang iba pang miyem­bro ng Ampatuan ay nakapiit sa military camps sa General Santos City.

Magugunita na dinukot at pinatay ng mga armadong kalalakihan sa pangunguna ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., ang convoy ng misis ni Mangudadatu na si Genalyn kasama ang 32 me­diamen at ilang supporters nito. (Gemma Amargo-Garcia)

AMPATUAN

AMPATUAN SR.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AUTONOMOUS REGION

CAMP PANACAN HOSPITAL

CERTIFICATE OF CANDIDACY

DATU

DATU AKMAD

DATU ANWAR AMPA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with