Mangga ng Pinas, isasali sa Guinness
MANILA, Philippines - Posibleng mapasali sa Guinness Book of World Records ang prutas na mangga ng Pilipinas na may timbang na 3.5-kilogram bilang pinakamalaki sa buong mundo.
Ayon sa Department of Agriculture Region 10, nilagpasan ng nasabing prutas ang ‘mangga’ ng Canada na may timbang na 2.4-kilogram na kasalukuyang nasa Guinness.
Ang 3.5 kilo mangga ay pag-aari ng mag-asawang Sergio at Maria Socorro Bodiongan ng Iligan City.
Isinumite na sa Guinness Book of World Records nitong nakalipas na September 2009 ang naturang mangga. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending