^

Bansa

Tradisyunal na ruta ng Black Nazarene ibabalik

-

MANILA, Philippines - Umiiwas na rin sa intriga at reklamo ang mga opisyal ng Minor Basilica o mas kilalang Quiapo church ng Black Nazarene sa paghaha­yag na ibabalik na nila sa tradisyunal na ruta ang prusisyon nito sa Enero 9.

Hindi na umano nila nais maulit na ang naging kaguluhan at reklamo nang baguhin ang ruta at nagdulot ng kalituhan sa mga deboto o’ nama­manata noong nakaraang taon.

Marami din umano ang naniniwala na hindi dapat baguhin ang da­ting nakaugalian sa pru­sisyon bilang ‘pama­hiin’.

Matatandaang mahigit 10 oras ang itinagal ng prusisyon noong naka­lipas na taon bago na­ibalik sa loob ng simba­han ang imahe ng Itim na Naza­reno, na nagsimula sa Qui­rino Grandstand, dumaan sa P. Bur­gos Street, Mc­Arthur Bridge, Rizal Avenue, C.M. Recto Avenue, Legarda Street, Arlegui Street, Que­zon Boulevard, Palanca Street, Villalobos Street at Plaza Miranda papasok ng simbahan ng Quiapo.

Sa tradisyunal na ruta at ipatutupad ngayon, magsisimula ang pru­sisyon sa Quirino Grandstand dakong alas-8:30 ng umaga at dadaan sa Katigbak Drive, Padre Burgos St., McArthur Bridge, Carlos Palanca St., P. Gomez St., P. Paterno St., Quezon Boulevard, Arlegui, Fraternal St., Vergara St., Duque de Alba St., Castillejos St., Farnecio St., J. Ne­pomuceno St., C. Aguila St., Carcer St., R. Hidalgo St., Bilibid Viejo St., Gil Puyat St., Z.. P. de Guz­man St., R. Hidalgo St., Bar­bosa St., Globo de Oro St., Villalobos St., at Plaza Miranda para sa pagbabalik sa loob ng Quiapo Church.

Nabatid na, simula bukas, ang Black Naza­rene ay ilalabas ng sim­bahan ng Quiapo pag­katapos ng misa ng 5:00 ng umaga at ipaparada sa Quiapo na sasa­bayan din ng prusisyon ng Birheng Maria sa dakong hapon. (Ludy Bermudo)

AGUILA ST.

ALBA ST.

ARLEGUI STREET

ARTHUR BRIDGE

BILIBID VIEJO ST.

BIRHENG MARIA

BLACK NAZA

HIDALGO ST.

PLAZA MIRANDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with