^

Bansa

22 Pinoy nakulong, nadale ng scam sa Dubai

-

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng konsulado ng Pilipinas sa pamahalaan ng Dubai at Sharjah ang sindikato ng “loan scheme” at iniuugnay sa “Pyramid scam” matapos na 200 katao kasama ang 22 overseas Filipino workers ang nabiktima nito.

Si Philippine Consul General Benito Valeriano ay nagpadala ng note verbale sa Ministry of Foreign Affairs sa Dubai at Sharjah para maimbestigahan ang isang debt collection agency sa Deira na umano’y nanloko sa mga Pinoy sa pamamagitan ng pag-iisyu ng blangkong tseke. Karamihan sa 22 Pinoy ay nakulong matapos na tumalbog ang inisyung tseke kaya hindi rin nakakapasok sa kanilang mga trabaho at naging resulta ng kanilang pagkakasibak.

Ang blangkong tseke ay inisyu ng mga biktima sa opisyal na nag­pa­patakbo ng nabanggit na debt collection agency at nanga­kong magbibigay ng loan extensions. Sa ibinigay na salaysay ng isang Pinay irereklamo niya ang nasabing kompanya sa Saif Police­ Station ngunit laking gulat niya ng makita na kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga may utang at tumalbog ang inisyung tseke kaya agad na ikinulong sa Sharjah kaya ang kanyang abogado na lang ang naghain ng kaso noong Disyembre 9 laban sa naturang kompanya. Nakatakda ring maghain ng kaso ang iba pang biktima ng scam sa himpilan ng Naif Police. (Ellen Fernando)

DEIRA

DISYEMBRE

DUBAI

ELLEN FERNANDO

MINISTRY OF FOREIGN AFFAIRS

NAIF POLICE

PINOY

SAIF POLICE

SHARJAH

SI PHILIPPINE CONSUL GENERAL BENITO VALERIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with