^

Bansa

Miriam pinadidiskuwalipika

-

MANILA, Philippines - Hiniling sa Commission on Elections ng isang dating opisyal ng Malacanang na idisku­walipika sa halalan sa Mayo 2010 si re-elec­­tionist Senator Miriam Defensor-Santiago.

Sa petisyon na ini­hain sa Comelec ni Atty. Bonifacio Alentajan, abogado ng petitioner na si Atty. Nombraan Pangcoga na dating exe­cutive assistant ng Office for Muslim affairs, sinabi nitong hindi dapat payagan ng Comelec na lumahok pa muli sa halalan si Santiago dahil sa pagiging “insane” umano nito.

Inisa-isa pa ni Pang­coga ang mga patunay na may diprensya uma­no sa pag-iisip ang sena­dora kabilang na ang pagkakaroon uma­no nito ng kakaibang ideya, pabagu-bagong mood, hilig umano ni­tong pagsi­sinungaling at paranoia.

Iginiit pa ng petitioner na nagkaroon ng obs­truction of justice sa panig ni Santiago nang hindi nito pinayagan na maawtopsiya ang bang­kay ng kaniyang anak na si Alexander Robert Santiago na umano ay nagpakama­tay sa loob ng kaniyang tahanan noong November 20, 2003.

ALEXANDER ROBERT SANTIAGO

BONIFACIO ALENTAJAN

COMELEC

HINILING

IGINIIT

INISA

MALACANANG

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NOMBRAAN PANGCOGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with