^

Bansa

Palista ng botante sinimulan

-

MANILA, Philippines - Pormal nang sinimu­lan kahapon ng Commission on Elections ang extended voters’ registration sa lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong ban­sa.

Nabatid na dinagsa ng mga bagong botante na nais na humabol sa pag­papatala para makaboto sa halalan sa susunod na taon ang mga tanggapan ng Comelec.

Nilinaw naman ng Co­melec na hindi na ito ta­tanggap ng mga magpa­parehistrong botante sa susunod na buwan sa kabila ng kautusan ng Korte Suprema na pala­wigin ang voters’ registration ng hanggang Enero 9, 2010.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jime­nez, magsasagawa sila ng extended registration simula Disyembre 21 hanggang 23 at mula Disyembre 28 hanggang 29, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong ban­sa.

Prayoridad o uunahin lang dito ng Comelec ang mga first time registrant.

Batay sa rekord ng Comelec, umabot na sa 49.2 milyon ang mga registered voters para sa May 2010 national at local elections. (Mer Layson)

AYON

BATAY

COMELEC

COMELEC SPOKESMAN JAMES JIME

DISYEMBRE

ENERO

KORTE SUPREMA

MER LAYSON

NABATID

NILINAW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with