^

Bansa

Mar Roxas arangkada

-

MANILA, Philippines - Umarangkada si Se­ nad­or Mar Roxas sa pre-election survey sa pagka-bise presidente at na­ungusan nang malaki ang katunggaling si Sen. Loren Legarda.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station para sa eleksyon sa pagka-Bise-Presidente na gina­nap noong Disyembre 5-10, pinili ng 43.3% ng mga botante si Roxas saman­talang 32% lang ang pumili kay Legarda.

Kung boboto lahat ang halos 50 milyong botanteng Pilipino, aabot sa halos anim na milyon ang magi­ging lamang ni Roxas kay Legarda kung mananatili ang 11% na lamang niya kay Loren, ayon sa SWS.

Laging nangunguna si Roxas sa SWS survey ng mga botante kung sino ang pipiliin nila na iboto bilang Bise-Presidente sa elek­syon sa 2010 simula nang i-anunsyo nila ni Senador Noynoy Aquino ang kani­lang kandidatura para Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa noong Setyembre 21 ng taong ito.

Sinabi ni Prof. Becky Malay ng Philippine Rural Reconstruction Movement na dapat sana’y lumamang na si Legarda sa mga pre-election survey dahil tuloy-tuloy ang naging ad campaign niya sa radyo at telebisyon simula nang kunin siyang kandidato para sa Pangalawang Pa­ngulo ni Senador Manuel Villar.

BECKY MALAY

BISE-PRESIDENTE

LEGARDA

LOREN LEGARDA

MAR ROXAS

PANGALAWANG PA

PANGALAWANG PANGULO

PHILIPPINE RURAL RECONSTRUCTION MOVEMENT

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with