^

Bansa

Pacquiao nanumpa kay Villar

-

MANILA, Philippines - Nagdeklara ng all-out support si world boxing champion at Time magazine cover Manny Pacquiao para sa pangulo ng Nacio­nalista Party at standard bearer na si Senador Manny Villar.

Pinanumpa ni Villar si Pacquiao, kandidatong kongresman sa Sarang­gani, pati ang kanyang lokal na partidong People’s Champ Movement, sa man­sion ng boxing icon sa General Santos sa kan­yang ika-31 kaarawan sa KCC Events and Convention Center na dinaluhan ng 2,000 panauhin kabilang si Villar.

“Manny Pacquiao, who has thrown his best pun­ches to hoist our country’s pride and honor, is a deeply valued partner in our campaign to help keep our people from being knocked out by extreme hardships,” pahayag ni Villar na isini­lang na mahirap sa Tondo.

Binigyang-diin din ni Pacquiao ang pinanggali­ngan niyang hirap tulad ni Villar: “Talagang nanggaling siya (Villar) sa hirap, at kung tutuusin, galing din ako sa hirap gaya niya. Siya ang karapat-dapat suportahan dahil alam niya ang dam­ damin ng mga mahihirap. Ito ay pabor sa atin, ang dam­damin ng mahihirap, alam niya ‘yan.”

Kasabay na nanumpa sa partido ni Villar ang gubernatotial running mate ni Pacquiao na si Juan Domino at vice gubernatorial na bagong retiradong provincial administrator na si Fred Basino, kasama ang dalawang board members at pitong mayors ng Sa­ranggani.

Nanumpa rin kay Villar ang abogado ni Pacquiao na si  Franklin Gacal, kan­didato sa pagkakongresista sa unang distrito ng South Cotabato.

Kasama ni Villar na pu­munta sa kaarawan ni Pac­quiao ang  kanyang senato­riable na si Bongbong Marcos ng Ilocos Norte.

Sa kanyang pagsalita sa kanyang kaarawan, ipinaki­lala ni Pacquiao si Villar bilang “the upcoming president” ng Pilipinas. Tapos hiniling niya sa NP standard bearer na siyang bumunot para sa winner ng brand-new car na pina-raffle ng no. 1 pound-for-pound boxer sa mundo.

Si Pacquiao ang kauna-unahang boksingero sa mundo na nagkaroon ng pitong titulo sa pitong magkakaibang dibisyon, pagkatapos ng kanyang panalo (12th round TKO) kay Miguel Cotto sa Las Vegas noong Nob. 14.

Kahanay na siya nga­yon ng mga sports superstars na sina  Michael Phelps, Sere­ na at Venus Williams, Mi­chael Jordan atTiger Woods na naging cover ng worldwide na TIME magazine.

Samantala, hindi na­man sumama ang loob ni Pa­ ngulong Arroyo sa pag­ta­likod ni Pacquiao sa admi­nistrasyon matapos ma­num­pa ito bilang mi­yembro ng Nacionalista Party ni Sen. Villar.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar sa media briefing sa Malacañang, dalangin ng Palasyo na magtagumpay si Pacquiao sa pagsabak nito sa pulitika.(Butch Quejada/RudyAndal//Malou Escudero)

BONGBONG MARCOS

BUTCH QUEJADA

CHAMP MOVEMENT

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN GARY OLIVAR

EVENTS AND CONVENTION CENTER

FRANKLIN GACAL

PACQUIAO

SHY

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with