^

Bansa

47 bihag pinalaya na!

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinalaya na kahapon ng mga hostage-taker ang 47 kataong bihag nila sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Ito ang sinabi ni Chief Supt. Espina, spokesman ng Philippine National Police (PNP), ma­tapos na umano’y su­mang-ayon ang lider na si Juan “Ondo” Perez na sumuko sa Crisis Management Committee ka­hapon at palayain ang hawak niyang mga nati­tirang bihag.

“After final nego, that ended 1510h Ondo Pe­rez already agreed to release and submit themselves to the conditions set by the CMC. The Tms (teams) went back to Maitum to fetch the hostages and the hostage takers,” sabi sa text messages na ipinadala ni Espina.

Hindi naman binang­git ni Espina ang naging kasunduan nina Perez   at ang CMC para mapa­la­ya ang nasabing mga bihag, pero ayon sa ulat, pumayag si Perez na pa­walan ang 47 hostage matapos na pirmahan ng government negotiators ang kasunduang hindi siya dapat arestuhin ma­ging ang kanyang miyem­bro at ang lahat ng kaso laban kay Perez at tau­han nito ay ibabasura at maaring dalhin sa National Commission on In­digenous Peoples.

Ayon kay Espina, na­ging mabunga ang gina­wang pagtitiyaga ng CMC sa pakikipag-nego­sasyon sa mga hostage-taker para maging maa­yos at matiwasay ang ga­gawing pagpapalaya.

Kaugnay nito, kinum­pirma din ni Senior Supt. Nestor Fajura, chief for ope­rations sa Region 13 police office, ang natu­rang pagpapalaya kung saan sinabi nito na ka­sama ni Perez ang grupo ng mga negosyador sa Sitio Maitum, Brgy. San Martin sa bayan ng Pros­peridad para sa opisyal na paglaya ng mga nala­labing bihag.

Ang hostage crisis ay nangyari noong Huwe­bes matapos pasukin ng grupo ni Perez, dating guerilya at miyembro ng Manobo tribe, ang isang paaralan sa Agusan Va- lley rehiyon ng Mindanao at dalhin ang 75 katao.

Dalawampu’t walong hostages, kasama ang 18 bata ang nauna nang pinalaya at nangako si Perez na palalayain ang natitira kahapon ngunit na-delay ito dahil sa dami ng hinihinging demands nito.

vuukle comment

AGUSAN VA

CHIEF SUPT

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

ESPINA

NATIONAL COMMISSION

NESTOR FAJURA

ONDO PE

PEREZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with