Bagong pamunuan ng NEPA inihalal
MANILA, Philippines - Bagong dugo sa pinakamatandang samahan sa Pilipinas! Ito ang tema ng pagpapalit ng pamunuan ng National Economic Protectionism Association nang ihalal sina Bayan De La Cruz at anim pa nitong kasamahang negosyante noong Disyembre 7 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.
Si De la Cruz, 30 anyos na isang publisher at real state developer ay inihalal bilang pangulo habang si Ernie De La Cruz, dating pangulo, ay inihalal na Chairman of the Board. Mayorya ng bagong board of directors ng NEPA ay mga negosyanteng nasa kasibulan ng kanilang buhay, pawang mga edad 30-40 anyos subalit mga matatagumpay na sa kani-kanilang linya sa negosyo.
Idiniin ni De la Cruz ang halaga ng pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng economic protectionism sa bansa na ngayo’y binabatbat ng pandaigdigang resesyon. “Ngayon, higit kailanpaman, napapatunayan ang kawastuhan ng economic protectionism na binandila ng NEPA sa higit 75 taon,” ani ni De la Cruz.
- Latest
- Trending
















