^

Bansa

Maguindanao massacre sa Quezon City lilitisin

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Kinatigan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Department of Justice na maisampa sa Quezon City Regional Trial Court mula sa Cotabato City Regional Trial Court ang kasong multiple murder na kinakaharap ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Gayunman, isasagawa ang pagdinig ng nasabing kaso sa loob ng Camp Crame para matiyak ang se­guridad ng suspek ka­sabay ang pag-aatas kay QC-RTC Executive Judge Ofelia Marquez na agad i-raffle ang kaso.

Itinanggi naman ni Department of Justice Justice Secretary Agnes Devana­dera ang posibilidad na hindi maisampa ang kasong multiple murder laban sa mga Ampatuan bukod pa sa kasong rebelyon.

Aniya, hindi maaaring pagsamahin ang kasong rebelyon at multiple murder ng mga suspek dahil mas unang nangyari ang pagpatay ng mga ito sa 57-katao at kasunod nito ang tangkang rebelyon sa Maguindanao.

Samantala, tuluyan na rin naisampa ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group ang kasong rebel­yon laban kina Ma­guin­danao Gov. Andal Ampa­tuan Sr., ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, acting Maguin­danao Gov. Sajid Islam Am­patuan, Maguin­danao Vice-Gov. Al Hadji Akmad Ampa­tuan at Shariff Aguak Mayor Anwar Ampatuan.

Kasama din sa charge sheet sina Kusain Akmad Sakilan; Jovel Vista Lo­pez; Romy Gimba Mamay; Sammy Duyo Villanueva; Ibrahim Abdulkadir; Samil Mindo; Goldo Ampatuan; Amaikugao Dalgan; Billy Gabriel Jr.; Abdullah Am­pa­tuan; Morieb Ibrahim; Umpa Yarya; Manding Abdulkadir; Dekay Ulama; Kapid Cabaya; Koka Managilid; Sammy Maca­buat; Duca Amban at Akmad Ulilisen.

Pinag-aaralan na rin ni Devanadera ang panuka­lang ilipat ng kulungan ang 24-miyembro ng Ampa­tuan clan. Si Ampa­tuan Sr. ay nasa kustodiya na ng militar sa Davao City habang ang ARMM governor ay hawak ng CIDG sa General Santos City.

Si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., na siyang tinuturong mastermind sa pagpaslang sa 57 inosenteng mga sibilyan ay nauna ng dinala sa main office ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lungsod ng Maynila.

Sa pinakahuling ulat, naglalatag na ng security plans ang NBI sa posib­leng paglilipat sa kanila ng kustodiya ni ARMM Governor Zaldy Ampatuan.

Ito’y dahil na rin sa na­ kalap nilang imbestigas­yon na nakalabas na ng Metro Manila ang mga sang­kot sa Nov. 23 Ma­guindanao massacre, na kinabibilangan umano ng CAFGU, Civilian Volunteers Organization at private armies, bago pa magdek­lara ng martial law sa Maguindanao. (Dagdag ulat nina Joy Cantos at Ludy Bermudo)

ABDULLAH AM

AKMAD ULILISEN

AL HADJI AKMAD AMPA

AMAIKUGAO DALGAN

AMPATUAN

ANDAL AMPA

BILLY GABRIEL JR.

CAMP CRAME

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with