^

Bansa

Martial Law hanggang Maguindanao lang - DOJ

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Depart-ment of Justice (DoJ) na hindi magpapatupad ng Martial Law sa ibang ba­hagi ng bansa at  hindi ga­gawing dahilan ang tens­yon sa Maguindanao para pairalin sa buong bansa ang Presidential Proclamation 1959.

Ayon kay Justice Secretary Agnes Devana­dera, sa kabila ng pagde­deklara ng kautusan mula Malacañang sa mga lugar na pinaiiral ang state of emergency, nananatiling pili ang bahagi na inilagay ang batas militar.

Nangangahulugan lamang ito na malabo nang ipatupad ang na­ sabing proklamasyon sa Metro Manila o iba pang parte ng ating bansa.

Idinepensa rin ni De­ vanadera ang pagsa­sa­ilalim ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mar­tial law sa Maguin­danao, sa mga pagbati­-kos ng ilang kritiko bilang ‘overkill.

Aniya, may bantang rebelyon sa lalawigan ng Maguindanao, na ayon sa batas, isang konseptong batayan para sa pagde­ dek­lara ng martial law.

Nagpapatibay umano dito ang mga ulat na na­mataang grupo ng mga armado, na pinanini­wa­laang tagasuporta ng mga Ampatuan.

Aminado naman uma­no si B/Gen. Gau­dencio Pangilinan, hepe ng civil relations service ng AFP na natukoy mula sa intelligence reports ang wa­long lugar sa Maguin­da­nao na merong nagti­ti- pon na mga armadong grupo na may 20-hang­ gang 50 armado na posi­bleng mag-alsa laban sa gob­yerno at hindi umano basta-basta ang mga da­lang baril dahil high-powered umano na ka­yang tapatan ang sanda­tahan ng pamahalaan.

Idinagdag pa ni Deva­ nadera na hindi maitutu­ring na ‘over kill’ ang dek­la­ ras­yon ng Martial Law dahil hindi na nagpa-function ang lokal na pama­halaan ng Maguindanao, wala ng pumapasok na lokal na opisyal, at maging ang mga huwes ay wa­- lang gustong humawak sa kaso sa pag­masaker sa 57 katao.

Giit pa ni Devana­ de­ra, ang mga muni­sip­yo uma­no ay isinara na rin at ang ibang mga em­pleyado ay wala ng gina­wa kundi mag-people power. (Doris Franche/Ludy Bermudo)

DORIS FRANCHE

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANA

LUDY BERMUDO

MAGUIN

MAGUINDANAO

MARTIAL LAW

METRO MANILA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with