^

Bansa

Lakas originals sumuporta na kay Ebdane

-

MANILA, Philippines - Naglilipatan na ang mga orihinal na miyembro ng makaadministrasyong Lakas-Christian Democrats sa kampo ni dating Public Works and Highways Secretary Hermo­genes “Jun” Ebdane na nakatakdang magsumite ng kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo sa Nob­yembre 29.

Sinabi ni dating Executive Secretary Ruben Torres, kasalukuyang campaign manager ni Ebdane, na may 50 miyembro ng orihinal na miyembro ng Lakas na mga dati at kasa­lukuyang miyembro ng Gabinete, kongresista, at mga alkalde ang naki­pagkita kamakailan kay Ebdane sa Diamond Hotel sa Maynila kung saan pinag-usapan ang plata­porma nito at naglabas ng “manifesto of support” para sa kanyang kandidatura.

Sinabi naman ni Philippine Labor and Peasant Party President Jose Mal­ar Villegas na nakatakdang makipagpulong rin sa kanila si Silvestro Bello III na isa sa senatorial candidate ng Lakas-Kampi-CMD. Maki­kipagpulong rin sila kay dating Speaker Jose de Ve­necia upang talakayin ang susunod na hakbang ng mga Lakas originals.

Inaasahan umano nila na mas marami pang mga kandidato buhat sa admi­nistrasyon at maging sa oposisyon ang maglilipa­tan sa kanila.

“We expect more people to contact us due to the snowballing support for secretary Ebdane which other candidates are trying to downplay because they could not accept the fact that while they have gone full steam, Jun Ebdane is just starting and he is already garnering huge support,” dagdag ni Villegas.

Una nang inihayag ni Ebdane na kukunin niya ang pag-endorso sa kanya ni Ramos sa kanyang planong pagtakbo bilang Pangulo ng bansa. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

DIAMOND HOTEL

EBDANE

EXECUTIVE SECRETARY RUBEN TORRES

JUN EBDANE

LAKAS

LAKAS-CHRISTIAN DEMOCRATS

PANGULO

PHILIPPINE LABOR AND PEASANT PARTY PRESIDENT JOSE MAL

PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS SECRETARY HERMO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with