^

Bansa

Anomalya sa BIF machines itinanggi

-

MANILA, Philippines - Idiniin kahapon ng mga opisyal ng National Agri­business Corp. na walang bahid ng anumang ano­malya ang P455.2-milyong kontrata sa pagbili ng 98 yunit ng multi-functional ice-making machines na bahagi ng pinaigting na programa ng Department of Agriculture para para­mihin ang kanilang mga postharvest facilities at ang public bidding na ginawa para dito ay sumunod sa lahat ng proseso na itina­takda ng batas.

Ayon sa tagapagsalita ng NABCOR na si Ka­ thyrin Pioquinto, nagka­mali ang nagreklamo sa Ombudsman sa pagku­kumpara ng state-of-the-art multi-function machines na isinuplay ng nanalong bidder na Integrated Refrigeration System and Services, Inc. sa tradisyunal na single-purpose ice-making equip­ment na iniaalok ng ibang mga kumpanya na uma­tras din naman sa bidding.

Kinuwestyon ni Pio­quinto ang hakbang ng isang Allan Ragasa na isali maging si Agriculture Secretary Arthur Yap sa mga kinasuhan.

Aniya, ito’y isang “publicity stunt” dahil wala namang kinalaman ang kalihim sa proyekto dahil hindi naman siya opisyal o direktor ng Nabcor.

Sinabi rin ni Pioquinto na sa pagsasampa ng reklamo ni Ragasa, ang Nabcor ay magkakaroon ng oportunidad na patu­nayan ang dalawang punto - (1) ang legalidad at kalan­taran ng proseso ng bidding, at (2) ang superyo­ri­dad ng multi-functional equip­ment ng IRSSI.

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

ALLAN RAGASA

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

INTEGRATED REFRIGERATION SYSTEM AND SERVICES

NABCOR

NATIONAL AGRI

PIOQUINTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with