^

Bansa

Mga babae ni Dodie Puno isasabit ni Miriam

-

MANILA, Philippines - Nagbanta kahapon si Senator Miriam Defensor-Santiago na ibu­ bunyag niya ang panga­lan ng mga umano’y nobya ni dating Road Board executive director Rodolfo “Dodie” Puno kung aata­kehin siya nito tungkol sa kanyang mga ibinunyag sa anomalya sa bilyon-bilyong road user’s tax.   

“Atakehin mo ako tungkol dito at ibubunyag ko ang mga girlfriend mo,” sabi ni Santiago sa kan­yang privilege speech tungkol sa road tax.   

Ayon pa kay San­tiago, masyadong malu­ho ang pamumuhay ni Puno na mayroon uma­nong P250 milyong ha­laga ng property sa Bo­racay. Nag-mamay-ari din umano si Puno ng dalawang yate at lahat na lamang ng mga luxury at mamahaling sasakyan ay mayroon ito.   

Sinabi pa ni Santiago na kahit may asawa at anak na si Puno ay nan­liligaw pa ito ng mga beauty queens at mga sikat na artista.   

Nais ni Santiago na pakasuhan ng plunder si Puno at ang iba pang director ng Road Board na nagpasasa umano sa P60.5 bilyong pundo. (Malou Escudero)

ATAKEHIN

AYON

DODIE

MALOU ESCUDERO

NAGBANTA

PUNO

ROAD BOARD

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with