^

Bansa

PhilHealth: Benepisyo magagamit kahit walang 24 oras sa ospital

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan ng mga miyembro ng PhilHealth na manatili ng 24-oras sa ospital upang ma­gamit ang kanilang benepisyo, batay sa PhilHealth Circular 2026-0013. Ayon sa state insurer, saklaw ng polisiya ang mga eligible inpatient admissions na wala pang 24-oras ang pananatili, basta’t ito ay medically necessary at suportado ng kumpletong clinical documentation.

Kabilang dito ang mga pasyenteng binawian ng buhay habang naka-confine nang wala pang 24-oras, gayundin ang mga interhospital o interfacility transfers na nangangaila­ngan ng pagpapatuloy ng pangangalaga bago matapos ang 24-hour admission. Nilinaw ng PhilHealth na ang mga pasyenteng dead on arrival o idineklarang patay nang hindi isinailalim sa anumang medical engagement ay hindi saklaw ng benepisyo.

Binigyang-diin din ng ahensya na hindi ito bagong package o case rate, kundi pagpapalawak ng entitlement para sa reimbursement ng umiiral na inpatient medical case rates. Ang coverage ay limitado sa mga kaso ng serious, severe, acute, o life-threatening conditions, gaya ng itinakda ng attending healthcare professional.

“It shall primarily apply to inpatient admissions involving serious, severe, acute, life-threatening, potentially life-threatening, or otherwise clinically significant medical or surgical conditions,” ayon sa PhilHealth.

PHILHEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with