^

Bansa

Martin, naghain ng not guilty sa P7.4 bilyong plunder

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasok ng not guilty plea si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez sa kanyang P7.4 bilyong plunder case nang basahan siya ng sakdal ng Sandiganbayan Third Division kaugnay ng umano’y kickback sa flood control project ng pamahalaan.

Pinayagan ng korte na gawin ni Romualdez ang kanyang plea via video conference mula sa selda sa New Quezon City Male Dormitory sa Payatas.

Bago ang arraignment, ipinaliwanag ni Third Division Chairperson at Associate Justice Karl Miranda na marami pang persons deprived of liberty (PDLs) ang may malubhang kondisyon sa kalusugan, gaya ni Romualdez na dati nang na-confine sa Cardinal Santos Medical Center at Philippine General Hospital dahil sa sakit sa puso at utak bago siya nakulong.

Ayon sa korte, kung ang isang akusado ay magpasok ng guilty plea, agad itong hinahatulan na karaniwang may mas mababang sentensiya. Ngunit dahil not guilty plea ang inihain ni Romualdez, magpapatuloy ang paglilitis sa graft court.

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with