^

Bansa

Isyu ng aerial spray sa Davao, sabotahe!

-

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo kahapon sa pamahalaan ang mga magsasaka sa Davao del Norte dahil sa umano’y pag­sabotahe sa industriya ng saging sa pamamagitan ng pagbabawal sa aerial spraying sa mga plantas­yon.

Kasabay nito, tinuligsa ng mga religious groups sa Davao del Norte ang pa­tuloy na pagsuporta ng ilang Katolikong pari sa non-government organization na “Mamamayan Ayaw sa Aerial Spraying” (MAAS) na nagpapakalat ng mali at walang batayang impor­ masyon hinggil sa aerial spraying sa mga plantas­yon sa nasabing lalawigan.

Maraming bilang ng Gagmayang Kristohanong Katilingban o Basic Christian Communities ng sim­bahang Romano Katoliko ang pumupuna kung bakit pinakikinggan ng ilang kaparian ang nasabing NGO samantalang mali naman sa katotohanan ang kanilang sinasabi.

“Where is their (priests) sense of discernment?” tanong ni Lilia Mosqueda ng GKK sa naibabalitang anim na buwang byahe sa National Capital Region ng mga miyembro ng MAAS na inayudahan ng National Task Force Against Aerial Spray. Ang mga ito daw ay wala namang alam tungkol sa saging o di man lamang nakakita ng banana plantation.

Ayon sa mga nagrerek­lamo, sa isang compound umano ng kaparian sa Manila nanunuluyan ang naturang NGO. Sa tuwing nagsasagawa sila ng mga lightning rally ay nang­gagaling sila dito at dito din bumabalik. Ayon sa GKK, patuloy na itinatago ng MAAS ang tunay nitong layunin.

Bakit daw kailangang kandiliin (patirahin at pakainin) ng simbahan ang naturang NGO samanta­lang ito naman ay ‘well funded’ ng ilang charitable Dutch agencies na siyang nagpopondo laban sa Philippine banana industry.

Ito ay ayon sa isang miyembro ng women’s support group na Dama­yan na nakabase sa Ultrect, Ne­therlands­. Dinagdag pa nito na malamang ay di rin alam ng mga charitable Dutch donors na ang pondo o humanitarian aid nila ay gina­gamit na lamang sa pag­kon­tra sa banana industries at pagsusulong sa pansa­riling economic interest.

Ayon kay Barangay Captain Romulo C. Tubal ng Dacudao, Calinan ang mga pekeng miyembro ng NGO ay walang alam sa kanilang barangay at walang alam sa realidad. Hindi sila tagapagsalita ng mas nakararami na araw-araw ay nakakasubaybay sa “good agricultural practices” sa banana industry.

“Kami ang mas naka­ka­alam dahil sa 30-taon na actual experience sa epekto ng low-dose fungicide sa kalusugan at ka­paligiran…hindi siya naka­sasama dahil mas mahina pa ito sa asin, kape o sabong panlaba, taliwas sa kanilang maling sinasabi na ito ay isang mataas na uri ng insecticides.

Ayon pa kay Tubal, sinasadya ng NGO ang paggamit sa katagang pesticide dahil ito ay ini­uugnay ng mga taga ka­maynilaan bilang insecticide na masama sa kata­wan ng tao. (Butch Quejada)

AERIAL SPRAYING

AYON

BARANGAY CAPTAIN ROMULO C

BASIC CHRISTIAN COMMUNITIES

BUTCH QUEJADA

DAVAO

GAGMAYANG KRISTOHANONG KATILINGBAN

LILIA MOSQUEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with