^

Bansa

Para di kapusin sa Pasko: Baboy sa Visayas at Mindanao, kukunin ng DA para sa Luzon

-

MANILA, Philippines - Kukunin ng Department of Agriculture (DA) ang tulong ng mga negosyante ng baboy sa Visayas at Mindanao upang mapunan ang pangangailangan sa suplay nito sa Luzon sa  panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Department of Agriculture assistant secretary Salvador Salacup, ang mga pork suppliers mula Visayas at Mindanao ay nangako na pupunan ng mga ito ang panganga­ ilangan sa karne ng baboy sa Luzon sa naturang okasyon.

Sinabi ni Salacup na gi­nagawa ang lahat ng ahen­siya upang hindi ku­langin ang suplay ng karne ng ba­boy ang Metro Manila kayat kahit international suppliers ay kanilang kokontakin para dito.

Ang hakbang na ito na­man anya ay hindi nanga­ngahulugan na tataas ang halaga ng karne ng baboy kung galing ng Visayas at Mindanao at ibayong da­gat.

Ito ay sa kabila ng unang pahayag ni National Federation of Hog Farmers, Inc. president Al­bert Lim Jr. na ang magdala ng produk­tong baboy sa Metro Manila mula Minda­nao ay may kataasan ang halaga dahil ang shipping companies levy ay P15 kada kilo ng baboy.

Kumonti ang suplay ng karne ng baboy mula sa Luzon na dinadala sa Metro Manila dahil sa epekto ng mga bagyong Ondoy, Pe­peng at Santi.

Anya, sapat naman ang suplay ng bigas at manok sa bansa sa panahon ng Ka­ pas­kuhan. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

LIM JR.

LUZON

METRO MANILA

MINDANAO

NATIONAL FEDERATION OF HOG FARMERS

SALVADOR SALACUP

SHY

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with