^

Bansa

Joey III nagbanta ng failure of election

-

MANILA, Philippines - Ikinababahala ng negosyan­teng si Joey de Venecia III ang agarang kan­selasyon ng kontrata ng Smart­matic-Aboitiz na mag­papagamit ng voting machines 2010 election.

“Kung nagkaproblema ang Smartmatic sa distribusyon sa ganitong kaagang panahon, mas delikado at maaaring hindi ito angkop sa susunod na halalan sa 2010,” ani de Venecia.

Una ng nagbabala si de Venecia na walang kapasidad ang Commission on Election na pangu­nahan ang full automation election sa 2010, kaya ito ay dapat lang ipatupad sa National Capital Region at hindi sa malalayong lalawigan.

Bunsod nito’y, hindi aniya malayong magkaroon ng failure of election sakaling mabigong maihatid ang lahat ng voting machines sa mga presinto.

Aniya, hindi din dapat na gawing test case ang May 2010 presidential election kaya nararapat lang na sa Metro Manila lang ipatupad ang automation election para makatiyak na mamamaniobra ng maayos ng Comelec ang naturang halalan. (Butch Quejada)

ABOITIZ

ANIYA

BUNSOD

BUTCH QUEJADA

COMELEC

ELECTION

IKINABABAHALA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with