^

Bansa

6 bahay ibinigay ni Villar sa 6 OFWs

-

MANILA, Philippines - Anim na overseas Filipino worker ang nabigyan ni Nacionalista Party Pre­sident at Senador Manny Villar ng bahay at lote sa pamamagitan ng noontime show na Wowowee.

Kabilang sa nabigyan ng bahay at lote sina Sarah Felecio ng Negros Occidental, Marnelli Re­cabar ng Iloilo, Rose­marie Jaca ng Romblon, Hazel Vicente ng Rom­blon, Joanne Sonbise ng Parañaque, at Jenny Chan ng Manila.

Tumanggap sila ng tig-iisang 40-sq.m na kumpletong dalawang palapag, dalawang-ku­wartong townhouse na may halagang P1.2 mil­yon. Tinanggap ni Vicente ang kanyang house and lot mula sa Camella Se­ville subdivision sa Calo­ocan, habang ang natiti­rang lima ay nakatanggap mula sa Camella Les­sandra sa Molino, Bacoor, Cavite.

Noong Hulyo 25, ang mga nanalong OFWs ay lumahok sa “Willie of Fortune” ng Wowowee na nakatuon para sa mga migrant workers. Habang nanonood ng programa kasama ang anak na si Camille, hiniling ni Re­villame kay Villar na pa­un­lakan ang personal na kahilingan na bigyan ng tig-iisang bahay at lupa ang mga kalahok dahil kilala naman ang senador sa pagkalinga ng kaga­lingan ng OFWs.

Umiyak at niyakap ng mga OFWs si Villar nang tumango ito sa kahilingan ni Revillame. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CAMELLA LES

CAMELLA SE

HAZEL VICENTE

JENNY CHAN

JOANNE SONBISE

MARNELLI RE

NACIONALISTA PARTY PRE

NEGROS OCCIDENTAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with