^

Bansa

2 Pinoy huli sa droga

-

MANILA, Philippines - Dalawang Pinoy ang nahaharap sa parusang bitay matapos tangkaing ipasok ang ilegal na droga sa paliparan ng Iran.

Sa report ng Emba­hada ng Pilipinas sa Iran sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, agad na ina­resto ang da­la­wang di pinangalanang Pinoy ma­ta­pos na masuri ng Iranian Customs authorities na naglalaman uma­no ng illegal drugs, (shabu o cocaine) ang kanilang bagahe.

Ayon sa Embahada, gi­namit at inupahan ang dala­wang Pinoy ng hinihi­nalang international drug ring mata­pos na panga­ku­an na mabibigyan ng traba­ho at malaking su­weldo sa Iran. Inatasan ang dalawa na isabay na sa kanilang pagbiyahe patungo sa Iran ang pada­lang package kung saan hindi nila alam na naglala­man ito ng ilegal na droga.

Sa ilalim ng Sharia Law, ang mga mahuhu­lihan o tang­kang mag­pus­lit ng illegal drugs sa Iran ay may katapat na parusang ha­bambuhay na pagkabi­lang­go o death by hanging. (Ellen Fernando) 

AYON

DALAWANG PINOY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

EMBA

EMBAHADA

IRANIAN CUSTOMS

PINOY

SHARIA LAW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with