^

Bansa

Lacson gagawing testigo sa Dacer-Corbito

- Ni Gemma Garcia At Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nakahanda umano ang pamilya Dacer na kuhanin bilang testigo si Sen. Panfilo Lacson ka­ug­nay sa Dacer-Corbito double murder case.

Sinabi ni Atty. Deme­trio Custodio, abogado ng magkakapatid na Dacer, ito ay kung may mailala­bas ni Lacson ang mga ebidensya na makaka­pag­turo sa mastermind sa pagdukot at pagpatay sa publicist na si  Bubby Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Nilinaw pa ni Demetrio na ang pangunahing la­yunin naman talaga ng pamilya Dacer ay ang ma­laman at maparusa­han ang mga may kina­laman sa pagpatay sa kanilang ama, kung kaya nakahanda silang kuning testigo si Lacson kung malaki ang maitutulong nito sa pagresolba sa kaso.

Sa kabila nito naka­depende pa rin umano sa panel of prosecutors kung aalisin bilang respondent si Lacson sa kaso kapag kinuha na nila itong tes­tigo.

Kaugnay nito ay sina­bi pa ni Demetrio na sa susunod na pagdinig ng Department of Justice (DOJ) ay maghaharap sila ng isa pang testigo sa panel upang patunayan ang implikasyon na may kinalaman si Lacson sa kaso.

Si Lymith Bagual uma­no ay personal na nakita sina Dacer at Lacson sa isang resort sa Batangas isang linggo bago nawala ang una.

Sa tagpong iyon ay nakita umano ni Bagual na nagtatalo at nagpapa­litan ng mga salita ang dalawa habang nakita rin niya na naroon si Man­cao.

Samantala, pinahintu­lutan na rin ng panel of prosecutors sa pangu­nguna ni Senior State Prosecutor Peter Ong ang pamilya Dacer na maghain ng amended complaint kung saan nais nilang maisama si dating Pangulong Joseph Estra­da bilang isa sa mga respondent sa kaso.

Muli namang itinakda ng panel ang pagdinig sa September 28, 2009.

BUBBY DACER

DACER

DEMETRIO

DEPARTMENT OF JUSTICE

EMMANUEL CORBITO

LACSON

PANFILO LACSON

PANGULONG JOSEPH ESTRA

SENIOR STATE PROSECUTOR PETER ONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with